Lingkod ng Kalayawan

Ang bawat sigawan at hiyaw na umaalingawngaw,

Naparam ng sa salapi’y silaw,

Binao’t pilit tinago ang bahong umaalingasaw,

Ng nilalang sa tugtog ng pilak nakisaliw.

 

Nakipagtalik sa kasamaa’t kasakiman,

Sariling pinag-isa’y nilukob ng kabuktutan,

Nakaligtaan ang mga taong lugmok sa kahirapan,

Kaya’t nagpakasasa’t nagpakalunod sa karangyaan.

 

Motibong sa maskara’y itinago,

Maraming puso ang iyong binigo,

Kaya’t marami ang nagtipon na damdami’y puno ng silakbo,

Dahil sa iyong pangakong napako.

 

 

 

*ang tulang ito ay nailathala sa The Communicator ang Opisyal na Pahayagan ng COC-PUP.

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s